Gumon: Locks of death

Gumon

She may not be Rapunzel but she’s got “killer hair”… literally.

Sa lumang paniniwala ng mga Karay-a sa Probinsya ng Iloilo, may isang uri ng babaeng aswang na lumalabas pagkagat ng dilim bilang gumagapang na kumpol ng buhok. Binabalot nito ang taong makakasalubong at sinasakal gamit ang kanyang mayabong na buhok.
Ang nasabing mga buhok ay may masangsang na amoy at parang mga ahas na gagapang papasok sa mata, ilong, at bibig ng biktima para hindi ito makahinga at mawalan ng malay.
Habang nakikipagbuno ay hihigupin ng aswang ang dugo at lakas ng biktima hanggang sa maging isang buto’t balat na bangkay ang biktima.
Takot sa apoy ang nasabing aswang. Ang ibig sabihin ng “gumon” sa Hiligaynon (wika ng mga taga Iloilo) ay “buhol-buhol”.

Advertisements

Amamarang

In Visayan and Mindanaoan folklore, the amamarang a.k.a. mamarang is a type of aswang that uses her long, wire-like and pungent hair to incapacitate or kill her victims. By day she is a normal woman but after the sun sets she applies a special oil all over her body until her skin turns dark, her eyes become bloodshot, and her hair move like tentacles. She blocks paths and attacks anyone who encounters her.
While tackling the unfortunate person, the amamarang‘s hair slithers into the victim’s eyes, ears, nose, and mouth until the latter faints or suffocates to death. She either proceeds to feast on the victim’s innards and blood or takes the body to her home to be consumed later.
There’s a chance to fight off the amamarang if the victim is able to set the creature’s hair on fire or wound her using conventional weapons. However, the amamarang can heal her wounds by simply licking them.
In other stories the amamarang is a manananggal-like creature with tentacle like hair.

 

Tatay Felo and the aswang

One day Tatay Felo (my grandmother’s father), a carpenter, was sent to a village in Plaridel, Misamis Occidental to work there. He worked the whole day and when it was around six o’clock in the evening he told his fellow carpenters that he was going home. But they stopped him. They warned him that in the said village lived an aswang named Thalia, who waited in the path. But Tatay Felo didn’t give a damn because he possessed an anting-anting (charm). So he went on alone.
While walking along the path he saw a woman ahead of him. The woman said, “Where are you going, Felo? It’s dark already.”
All of a sudden, the woman transformed. Her face became hideous and her very long hair stood on end. Her hair tried to force their way into Tatay Felo’s nose. The hair had a nauseating stench. But Tatay Felo was strong, he punched the woman. She fell on the ground but got up and tried to strangle Tatay Felo.
During the struggle, Tatay Felo got hold of his saw, which he used at work earlier. He started sawing at the woman’s neck. The woman released Tatay Felo, ran off screaming in pain, and jumped into the nearby river.
Many years passed and Tatay Felo passed away. My grandmother said many still remember Tatay Felo because he was the one who sawed Thalia’s neck, who is said to be still alive up to this day with a big scar on her neck.

(story translated from a post on Spookify’s FB page)

20935091_490402161329280_7682652039818371973_o

Filipino text:

Sa kwentong bayan ng Visayas, ang amamarang a.k.a. mamarang ay isang uri ng aswang na ginagamit ang kanyang mahaba, mala-alambre, at masangsang na buhok upang paralisahin o patayin ang kanyang mga biktima. Pag araw, ang amamarang ay normal na babae ngunit pagsapit ng dilim nagpapahid sya ng kakaibang langis sa buong katawan hanggang sa umitim ang kanyang balat, pumula ang nanlilisik na mga mata, at gumalaw ang kanyang mga buhok na parang mga galamay. Siya ay nanghaharang sa mga daanan at inaatake ang sinumang makasalubong sa kanya.
Habang nakikipagbuno sa biktima, ang mga buhok ng amamarang ay gagapang papasok sa mata, tenga, ilong, at bibig ng biktima hanggang sa ito’y mawalan ng malay o tuluyang mamatay. Pagkatapos ay wawakwakin ang tyan ng biktima at kakainin ang lamanloob o dadalhin sa bahay ng amamarang upang doon kainin.
Maaaring madipensahan ng biktima ang kanyang sarili laban sa amamarang sa pamamagitan ng pagsunog sa buhok nito o pagsugat dito gamit ang anumang sandata. Subalit, kayang pagalingin ng amamarang ang kanyang mga sugat sa pamamagitan ng pagdila lamang.
Ayon sa ibang kwento, ang amamarang ay hawig sa manananggal na ang buhok ay parang mga galamay.

 
Si Tatay Felo at ang aswang

Isang araw, si Tatay Felo (ama ng lola ko), isang karpintero, ay pinapunta sa isang barrio sa Plaridel, Misamis Occidental para magtrabaho doon. Buong araw siyang nagtrabaho at pagsapit ng alas sais ng gabi nagpaalam siya sa mga katrabahong karpintero na uuwi na siya. Pero pinigilan nila siya. Sabi nila may aswang daw sa barrio at ang pangalan ay Thalia, na nang-aabang sa daanan. Pero binaliwala iyon ni Tatay Felo dahil meron siyang anting-anting. Kaya umalis na siya.
Habang binabagtas ang daan may nakita siyang babae sa unahan. Sabi ng babae sa kanya, “Saan ka pupunta, Felo? Madilim na.”
Biglang nag-iba ang anyo ng babae. Pumangit ito at nagsitayuan ang mahahabang buhok nito. Pilit daw na pumapasok ang mga buhok nito sa loob ng ilong ni Tatay Felo. Masangsang ang amoy ng buhok. Pero malakas si tatay Felo. Sinuntok niya ang babae. Natumba sa lupa ang babae pero agad itong bumangon at sinubukang sakalin si Tatay Felo.
Sa kanilang pakikipagbuno, nahagilap ni Tatay Felo ang lagari na ginamit niya sa trabaho kanina. Nilagari niya ang leeg ng babae. Nabitawan ng babae si Tatay Felo at tumakbo ito na tumitili sa sakit at tumalon sa kalapit na ilog.
Lumipas ang maraming taon at pumanaw na si Tatay Felo. Sabi ng lola ko marami pa rin ang nakakaalala kay Tatay Felo dahil siya ang lumagari sa leeg ni Thalia, na sinasabing buhay pa hanggang ngayon pero may malaking peklat sa leeg.

Mangkukulam

Note: Scroll all the way down for Filipino text

library_voodoo_by_darkghast-d4w4gl7

A mangkukulam giving a fellow student “a hell of a time”.

The ancient mangkukulam of Philippine folklore were sorcerers who inflicted harm in a rather disgusting way and did it only once or three times a month, especially during rainy nights. The procedure involved the mangkukulam creeping under the house of the intended victim at night and wallowing in the muck under the batalan or a sink-and-bathroom (in the olden days houses were elevated from the ground by posts, and the occupants washed their dishes, washed their feet, took a bath, urinated, and spat in the batalan; the untidy ones even deficated in the batalan once in a while) while whispering a mantala (incantation). Flames then engulfed the mangkukulam’s body, which caused the victim to become ill and finally die when the mangkukulam put out the flames. The flames can’t be extinguished even by water and only the mangkukulam can quell it. Only the excrement of a person near death can stop the mangkukulam.
When the practice of filth-wallowing died out, later generations of mangkukulam adopted voodoo and European-style sorcery which is still popular today. The most preferred medium in inflicting harm is a doll along with some pins. The doll represents the victim. A victim’s few strands of hair, a piece of personal belongings like clothes, or even a picture is attached to the doll. The mangkukulam pricks the doll in various points where he wants the victim to feel pain.
In Western Visayas, mangkukulam are called manughiwit.

 

=======================

Ang mangkukulam

Ang mga sinaunang mangkukulam sa kwentong bayan ng Pilipinas ay gumagamit ng pamamaraang nakakadiri at ito’y ginagawa lamang isa o tatlong beses sa isang buwan lalo na sa gabing maulan. Ang isang mangkukulam ay gagapang sa silong ng bahay ng bibiktimahin at lulublob sa pusali o putik sa ilalim ng batalan (noong unang panahon halos lahat ng bahay ay nakaangat sa lupa na suportado ng haligi, at yung mga nakatira ay sa batalan naliligo, naghuhugas ng paa, umiihi, dumudura, nagtatapon ng pinaghugasan ng mga kasangkapan sa pagkain, at maging pagdumi paminsan-minsan) habang inuusal ang isang mantala o orasyon. Biglang mababalot ng apoy ang katawan ng mangkukulam ngunit hindi ito masasaktan o masusunog. Sa halip, ang biktima ang siyang mamalasin at magkakasakit. Mamamatay ang biktima kapag inapula ng mangkukulam ang apoy sa katawan nito. Ang apoy na ito ay hindi maaapula nino man o kahit ng tubig dahil tanging ang mangkukulam lamang ang may kakayahang pumatay sa naturang apoy. Ang tanging panlaban sa mangkukulam ay ang dumi ng taong naghihingalo.
Paglipas ng panahon tila di na ginagamit ng mga mangkukulam ang paglubog sa putik. Ang mga sumunod na henerasyon ng mangkukulam ay gumamit ng mga pamamaraang na-empluwensyahan na ng mga pamamaraan mula sa Europa at siyang ginagamit hanggang ngayon. Pinakasikat dito ang paggamit ng manika na tinutusok ng mga karayum. Sa pamamagitan ng buhok, kapiraso ng damit o personal na bagay, o di kaya’y larawan na ikinabit sa manika magagawang saktan o patayin ng mangkukulam ang biktima sa pagtusok sa iba’t-ibang bahagi ng manika.
Sa Western Visayas ang mangkukulam ay tinatawag na manughiwit.

 

Reference:

Relacion de las Costumbres de los Tagalos (1589). Fray Juan de Plasencia OSF. Manila

Amalanhig

NOTE: Scroll all the way down for Filipino text

pull_me_up_by_darkghast-d31sk31

A gang of maranhig eager to cuddle a conquistador.

According to Waray and Western Visayan folklore, the amalanhig or maranhig (a.k.a. amamanhig/ amaranhit) are flightless aswang that came back to life after death. They rise from their grave after failing to pass their power to a relative. Upon rising from the grave, these amalanhig lurk in the woods and live as blood and life essence suckers. At night they go to nearby villages to prey on the residents using their sharp, pointed tongue.
Aside from the amalanhig of aswang origins, some deceased humans could also turn into amalanhig. These are people who died with an unfinished business or were murdered and came back for revenge. The amalanhig with unfinished business are relentless in pursuing the persons they have chosen to fulfill their goals. Others do nothing but sit and yawn outside the house of their loved ones and will only move on if asked to rest in peace. Avenging amalanhig, on the other hand, tickle their victims to death while sucking their life force. They would lie in wait behind trees where the people who have wronged them usually pass.
They also mimic the words of the persons they encounter. Their presence is usually detected through the stench of their rotting flesh.
The amalanhig have stiff legs that can’t bend. The aswang amalanhig, however, are still fast and can’t be outrun. If an amalanhig chases you, climb a crooked tree to prevent the creature from catching you. You can also jump into the river or any body of water since these are known to keep the amalanhig at bay. Water can turn an amalanhig into a heap of worms and maggots that must be destroyed before they could form back into the creature.
It is believed that by tying red thread or a strip of red cloth around the big toes of a corpse before burial, it won’t turn into amalanhig.
According to one legend, a long time ago before the Spaniards came to the Philippines a chieftain ordered his priestess to create an army of warriors that couldn’t be killed. These immortals were created by killing ordinary men and encrusting their bodies with dark soot, putting a strange pebble in their mouths, and doing other rituals. After three days they came back to life but they were mindless, walking corpses that only died after accomplishing their task.
Amalanhig means “stiff one”.

===========================

Filipino text:

Ayon sa kwentong bayan ng mga Waray at Hiligaynon, ang amalanhig o maranhig ay mga di nakakalipad na aswang na naghihingalo o namatay na ngunit di malagay sa tahimik. Sila ay nananatili sa lupa dahil bigong ipasa ang kanilang kapangyarihan sa isang kamag-anak. Matapos bumangon sa kanilang pagkakahimlay, ang mga amalanhig ay nananahan sa kagubatan o kakahuyan at naninipsip ng dugo o nanghihigop ng lakas ng tao. Pagsapit ng dilim, sila ay umaatake sa kalapit na barrio upang biktimahin ang mga residente gamit ang kanilang matulis at matalas na dila.
Maliban sa mga aswang na naging amalanhig, may mga tao din na maaaring maging amalanhig. Ito ay mga taong pumanaw na o yung mga pinaslang at di matahimik. Yung mga di matahimik na amalanhig ay hindi titigil hanggat hindi naisasakatuparan ang kanilang nais (halimbawa: maipamahagi ang di napamanang kayamanan, o makapiling sa huling pagkakataon ang mga mahal sa buhay, meron ding di matahamik dahil ayaw ibahagi sa iba ang naiwang kayamanan o ari-arian). Malimit sila ay nagpapakita sa isang tao na napili nilang siyang sumagawa sa kanilang ninanais. Meron din namang mga amalanhig na uupo at hihikab lamang sa labas ng bahay ng kanilang mahal sa buhay at mamamatay din kapag pinakiusapan na manahimik na. Samantala, yung mga amalanhig na paghihiganti ang pakay ay pumapatay ng tao sa pamamagitan ng pagkiliti at paghigop ng lakas. Sila ay nagtatago sa likod ng mga puno sa dinaraanan ng mga taong nagkasala sa kanila pagkatapos ay atatake.
Ginagaya rin ng mga amalanhig ang sinasabi ng sinumang makasalubong nila. Malalaman na nariyan sila dahil sa amoy nilang nabubulok na laman.
Hindi nababaluktot ang mga binti ng mga amalanhig. Ngunit sa kabila nito, sila’y mabilis pa rin at mahirap takasan. Kung ayaw mong mahuli ng amalanhig, umakyat ka sa puno o di kaya’y tumalon ka sa ilog, lawa, o dagat dahil takot ang amalanhig sa tubig. Kapag nabasa ng tubig ang amalanhig, ito ay magiging isang tumpok ng mga uuod na kayang patayin bago pa muling makabalik sa dating anyo nito.
Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng pagtali ng pulang sinulid o piraso ng pulang tela sa mga hinlalaki sa paa ng isang bangkay bago ang libing, hindi ito magiging amalanhig.
Ayon sa isang alamat, noong unang panahon bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may isang datu na nag-utos sa kaniyang babaylan na gumawa ng mga kawal na hindi mamamatay. Nagawa ito ng babaylan mula sa pinaslang na kalalakihang binalot ng uling ang mga katawan, pinalunok ng mutya, at isinailalim sa samo’t-saring ritwal. Matapos ang tatlong araw ay muling nabuhay ang mga ito ngunit mga walang sariling isip at mananahimik lamang kapag naisakatuparan na ang ipinag-utos sa kanila.
Ang ibig sabihin ng amalanhig ay “nanigas”.

 
References:

Ramos, Maximo D. The Aswang Syncrasy in Philipine Folklore. Philippine Folklore Society, 1971
Ramos, Maximo D. The Creatures of Midnight. Phoenix Publishing, 1990
Ruiz, Ruel N. Elemental, Engkanto, Atbp. Of Man and Myths