Mangkukulam

Note: Scroll all the way down for Filipino text

library_voodoo_by_darkghast-d4w4gl7

A mangkukulam giving a fellow student “a hell of a time”.

The ancient mangkukulam of Philippine folklore were sorcerers who inflicted harm in a rather disgusting way and did it only once or three times a month, especially during rainy nights. The procedure involved the mangkukulam creeping under the house of the intended victim at night and wallowing in the muck under the batalan or a sink-and-bathroom (in the olden days houses were elevated from the ground by posts, and the occupants washed their dishes, washed their feet, took a bath, urinated, and spat in the batalan; the untidy ones even deficated in the batalan once in a while) while whispering a mantala (incantation). Flames then engulfed the mangkukulam’s body, which caused the victim to become ill and finally die when the mangkukulam put out the flames. The flames can’t be extinguished even by water and only the mangkukulam can quell it. Only the excrement of a person near death can stop the mangkukulam.
When the practice of filth-wallowing died out, later generations of mangkukulam adopted voodoo and European-style sorcery which is still popular today. The most preferred medium in inflicting harm is a doll along with some pins. The doll represents the victim. A victim’s few strands of hair, a piece of personal belongings like clothes, or even a picture is attached to the doll. The mangkukulam pricks the doll in various points where he wants the victim to feel pain.
In Western Visayas, mangkukulam are called manughiwit.

 

=======================

Ang mangkukulam

Ang mga sinaunang mangkukulam sa kwentong bayan ng Pilipinas ay gumagamit ng pamamaraang nakakadiri at ito’y ginagawa lamang isa o tatlong beses sa isang buwan lalo na sa gabing maulan. Ang isang mangkukulam ay gagapang sa silong ng bahay ng bibiktimahin at lulublob sa pusali o putik sa ilalim ng batalan (noong unang panahon halos lahat ng bahay ay nakaangat sa lupa na suportado ng haligi, at yung mga nakatira ay sa batalan naliligo, naghuhugas ng paa, umiihi, dumudura, nagtatapon ng pinaghugasan ng mga kasangkapan sa pagkain, at maging pagdumi paminsan-minsan) habang inuusal ang isang mantala o orasyon. Biglang mababalot ng apoy ang katawan ng mangkukulam ngunit hindi ito masasaktan o masusunog. Sa halip, ang biktima ang siyang mamalasin at magkakasakit. Mamamatay ang biktima kapag inapula ng mangkukulam ang apoy sa katawan nito. Ang apoy na ito ay hindi maaapula nino man o kahit ng tubig dahil tanging ang mangkukulam lamang ang may kakayahang pumatay sa naturang apoy. Ang tanging panlaban sa mangkukulam ay ang dumi ng taong naghihingalo.
Paglipas ng panahon tila di na ginagamit ng mga mangkukulam ang paglubog sa putik. Ang mga sumunod na henerasyon ng mangkukulam ay gumamit ng mga pamamaraang na-empluwensyahan na ng mga pamamaraan mula sa Europa at siyang ginagamit hanggang ngayon. Pinakasikat dito ang paggamit ng manika na tinutusok ng mga karayum. Sa pamamagitan ng buhok, kapiraso ng damit o personal na bagay, o di kaya’y larawan na ikinabit sa manika magagawang saktan o patayin ng mangkukulam ang biktima sa pagtusok sa iba’t-ibang bahagi ng manika.
Sa Western Visayas ang mangkukulam ay tinatawag na manughiwit.

 

Reference:

Relacion de las Costumbres de los Tagalos (1589). Fray Juan de Plasencia OSF. Manila

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s