Ang Biktima ni Angeli

angeli-aswangNOTE: English version of story below.

Habang hinuhubad ang pares ng duguang gwantes napatingin si Angeli sa salamin upang sulyapan ang kanyang ginawa. Walang buhay na nakahandusay sa sahig ng comfort room ang pinakahuli nitong biktima – isang freshman sa unibersidad – na ang dugo ay nagkalat sa tiles mula sa nakangangang hiwa sa tiyan ng dalaga. Mula sa hiwa na iyon ay kanyang hinugot at nilantakan ang atay ng biktima. Ang natira ay kanyang sinilid sa plastic na garapon sa kanyang bag. Napakasarap ng atay ng dalaga. Nalalasap pa rin niya ang sarap sa kanyang bibig. Matapos ang isang taon, muli siyang nakatikim niyon, na paborito ng kanyang mga ka-uri.
Mga tatlong linggo din niyang minanmanan ang kanyang biktima. Nagpanggap pa siyang estudyante sa pinapasukan nitong unibersidad. Sa wakas dumating ang pagkakataon nang gabing iyon nang tumungo ng mag-isa sa comfort room ang estudyante bago umuwi. Hindi na nito nagawang makatili nang baliin ni Angeli ang leeg nito. Pagkatapos ay sinimulan niyang hiwain ang estudyante gamit ang scalpel. Mga matatalas na kuko niya sana ang kanyang gagamitin ngunit hindi madaling alisin ang dugo kapag sumuot sa ilalim ng kuko, lalo pa’t may pupuntahan pang gimik si Angeli.
Maingat niyang sinilid sa plastic ang hinubad na mga gwantes at nilagay sa kanyang bag. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Maliban sa dugo sa kanyang mga labi at sa baba at iilang talsik sa kanyang mga braso, walang bahid nito sa kanyang uniporme. Matapos iligpit ang scalpel, naghilamos at naghugas si Angeli. Muli niyang sinulyapan ang kanyang biktima bago umalis.
Ni hindi man lang siya napansin ng dalawang security guard sa gate nang siyang dumaan palabas na animo’y ihip ng hangin lamang.
Kinabukasan agad nabalita ang pagkatagpo sa bangkay ng kanyang biktima na wakwak ang tiyan at wala nang atay. Napangiti si Angeli nang sinabi sa balita na baka aswang ang may kagagawan.

———————
Angeli’s Victim

While removing her bloodied gloves, Angeli glanced at her handy work through the mirror. Her latest victim – a freshman student in the university – lay dead on the comfort room floor with her blood spilled on the tiles from the gaping incision in the girl’s belly. Through this incision, Angeli pulled out ate partially ate the victim’s liver. The rest she put in a small plastic jar in her bag. The girl’s liver was exquisite. Angeli can still taste its goodness in her mouth. After a year, she has once again tasted human liver which is a favorite of her kind.
She observed her victim for at least three weeks. She even disguised as a student in the girl’s university. At last the opportunity came when that night the student went to the comfort room alone before going home. The girl wasn’t able to shriek when Angeli broke her neck. Then she started to cut her open with a scalpel. She would have used her claws but washing off the blood wasn’t easy once they’ve gotten under the nails, especially that Angeli is going on a night out later.
She carefully put the gloves in a plastic bag and placed it in her bag. She checked herself in the mirror. Except for the blood on her lips and chin and some splatters on her forearms, her uniform was unstained. After getting rid of the scalpel, Angeli cleaned herself. She took a last glance at her victim before leaving.
The two security guards at the gate didn’t even notice her as she slipped past them like a gust of wind.
The following day, there was news on her victim who was found cut open with the liver gone. Angeli smiled when it was speculated that the culprit could be an aswang.

END

Advertisements

The Rain

IT rained the whole day. The sky was thick with dark clouds and hay-wired by lightning. Some of the streets were flooded. People with no umbrellas scampered like scared mice seeking cover from the heavy downpour.

Anna walked hurriedly towards the overpass as the rain pounded on her umbrella. Her face was most with splashes from the rain. Her legs were wet. She felt cold despite her sweatshirt.

She ascended the overpass (that did not have a roof) and hurried for the other side across the street. Then something red dropped in front of her. It splattered on the wet concrete and mixed with the rainwater inches away from her feet. Blood? She wondered. A thick splatter hit her umbrella. She looked up and saw it. From the sky came a downpour of red. It splattered everywhere, making everything red. She held her hand out and it was immediately turned red by the red rain. She felt it – thick and smooth. Her nose caught the salty smell. It was blood! It was raining blood! Blood was everywhere. In the streets, the trees, the building, everywhere.

In the streets cars collided against each other; the drivers taken aback by the rain of blood. People were screaming. Sirens wailed. Panic was everywhere.

Anna stood frozen. Her shoes; her legs were red with blood. spots of blood hung on her clothes. Her face was moist with splashes of blood. The air was putrid with the smell of blood. She remained unmoving while the rain raged on. A rain of blood.

THE END

Bloody Mary

Tahimik at tulala si Mei habang nakaupo sa kama ni Sandy at hawak-hawak ang duguang kotsilyo. Walang bahid ng kung anong ekspresyon na makikita sa kanyang mukha, di mo alam kung ano ang kanyang iniisip o nararamdaman. Siya ay nagmistulang bingi sa ingay ng telebisyon at tila hindi pansin ang lagkit ng dugo sa kanyang mga kamay. Mapagkakamalan mong hindi siya humihinga sa halos di mapansing pagtaas baba ng kanyang dibdib upang pumakawala ng tila panatag na paghinga.

Sa sahig ay nakahandusay ang malamig na bangkay ni Sandy; naliligo sa sariling dugo, laslas ang lalamunan at tadtad ng saksak ang dibdib. Bakas sa mukha nito ang sindak sa karumal-dumal na sinapit. Ang bibig na kanina’y pinagmumulan ng makapanindig-balahibong tili ngayon ay bahagyang nakabuka at nakangiwi na tila ba nakakaramdam pa rin ng kirot ang bangkay. Nagsisimula nang matuyo ang dugo na kanina’y dumadaloy mula sa magkabilang gilid ng bibig nito. Nakatirik ang mga matang pinanawan na ng ningning at para bang napako sa pagkakatingin sa kawalan.

Ang mga mata ni Mei ay biglang kumisap at ipinako ang tingin kay Sandy, na hindi iginagalaw ang kanyang ulo. Walang kakurap-kurap ang mga mata ng dalaga habang pinagmamasdan ang duguang bangkay sa sahig. Ang kanyang mga mata ay parang matatalim na punyal na tumatagos sa laman ng patay. Biglang tumunog ang kanyang cellphone, at dito ay parang natauhan siya. Agad niyang nilagay ang kotsilyo sa kama, at nang mapansin ang dugo sa kanyang mga kamay ay dali-dali niya itong pinunasan ng maigi gamit ang bedsheet. Pagkatapos ay dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa, sabay tayo at patay sa telebisyon. Saglit niyang tinignan kung sino ang tumatawag, at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga.

“Hello?” sabi niya habang nakatitig sa bangkay ni Sandy.

Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya, na parang walang nangyari.

“Gaga. Gimik ka dyan. Nag-aaral po kaya ako dito,” balik niya sa kausap.

Muli siyang napatingin sa bangkay ni Sandy sa sumunod na tanong ng kausap sa cellphone.

“Human anatomy,” sagot niya na may pilyang ngiti sa mga labi, at muling natahimik upang bigyang daan ang nasa kabilang linya.

“Loka ka talaga,” hagikhik niya. “Sige na nga. See you there 9:30. Sige, bye bye na muna at tatapusin ko lang ‘to. See ya. Mwah mwah.”

Napatingin si Mei sa oras sa hawak na cellphone. Pasado alas otso. May panahon pa, sa isip niya habang nakatingin kay Sandy. Ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bulsa at dinampot ang kotsilyo sa kama. Dahan-dahan siyang tumayo at parang lasing na lumapit sa katawang nakahandusay sa sahig. Wala na ang ngiti na kanina’y gumuguhit sa kanyang mukha. Ito ay napalitan ng mukha ng isang taong walang damdamin. Walang awa. Ang mga mata ay puno ng poot at galit. Mga matang parang dalawang bolang apoy. Mga apoy ng impiyerno.

Kinabukasan ay laman sa radyo at telebisyon ang pagkakatagpo sa bangkay ni Sandy Murano sa apartment nito sa University belt. Pugot ang ulo at kinatay na parang baboy. Ang mga laman-loob ay nagkalat sa ibabaw ng kama. Ang ulo ay natagpuan sa loob ng rice cooker. Walang mahanap na saksi o lead ang pulisya na makakapagturo kung sino ang may gawa sa karumal-dumal na krimen. Ang tanging palatandaan mula sa salarin ay ang pangalang “BLOODY MARY” na nakaukit sa noo ng pugot na ulo.

WAKAS